Labag sa Republic Act 9711 o FDA Act of 2009 ang pamamahagi at pagbebenta ng mga hindi rehistradong medical products tulad ng Ivermectin.
Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire, ang sinuman, maging ang health professionals tulad ng mga doktor, na ilegal na namamahagi o nagpo-promote ng Ivermectin ay lumalabag sa naturang batas.
Nagbabala rin si Vergeire sa publiko na kapag hindi rehistrado ang gamot na iinumin ay hindi matitiyak ng gobyerno na ang naturang gamot ay ligtas at hindi nito mapoprotektahan ang sinuman mula sa anumang sakit.
Kabilang sa mga nagsusulong ng paggamit ng Ivermectin laban sa COVID-19 ang ilang mga kongresista.
Sa ngayon, umuusad pa lang ang pag-aaral sa Pilipinas kung papayagan bang gamitin sa COVID patients ang Ivermectin na isang uri ng veterinary drug.