Hinimok ni Infectious Diseases Specialist Dr. Edsel Salvaña ang mga nasa high risk na magpabakuna ng kontra influenza at pneumonia.
Ito ay bukod sa COVID vaccine, para maprotektahan sa harap ng banta ng COVID-19.
Nilinaw naman ni Dr. Salvaña na wala pa namang kaso kung saan ang isang COVID positive ay na-infect ng dalawang variant ng virus.
Samantala, kinumpirma ng Philippine General Hospital (PGH) na tumataas na rin ang kaso ng mga nako-confine sa PGH dahil sa COVID-19.
Ayon kay PGH Spokesman Dr. Jonas del Rosario, mula sa 30 kaso noong December ay nasa mahigit 100 na ang COVID cases ngayon sa pagamutan.
Kabilang aniya sa kanilang mga pasyente ang ilang fully vaccinated medical frontliners na may mild hanggang moderate cases lamang.
Facebook Comments