Pasok sa Sandiganbayan, suspendido sa loob ng 3 araw

50

Suspendido muna ang trabaho sa Sandiganbayan simula bukas, January 4 hanggang 6 o mula Martes hanggang sa Huwebes.

Sa inilabas na memorandum para sa mga opisyal at empleyado ng anti-graft court, sinabing may 12 empleyado nito ang nagpositibo sa COVID-19 sa isinagawang antigen testing ngayong araw.

Nakasaad sa memo na gagamitin ang tatlong araw na suspensyon ng trabaho para sa disinfection ng gusali.


Magsasagawa rin ng contact tracing ang medical section ng Sandiganbayan.

Samantala, ang mga natitirang empleyado ng anti-graft court na naka-schedule na sumailalim sa antigen testing sa January 6 ay gagawin na lamang sa Biyernes, January 7.

Facebook Comments