DOH, mino-monitor ang 53 lugar sa bansa dahil sa mataas na COVID-19 cases

Nakitaan ng Department of Health (DOH) ng mataas na kaso ng COVID-19 ang 53 lugar sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga ito ang ilang probinsya, Highly Urbanized Cities (HUCs), at independent component cities na mayroon percentage increase sa COVID-19 cases.

Aniya, masusi itong mino-monitor ng DOH sa pakikipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGUs).


Bukod dito, sinabi ni Vergeire na may naobserbahan din silang apat na bagong clustering ng cases sa CALABARZON at Bulacan.

Aminado naman si Vergeire na dahil sa mga datos ay hindi pa talaga masabi na bumababa na ang trend ng virus.

Pero nilinaw nitong mas bumubuti na ang COVID-19 response ng pamahalaan dahil nakaka-agapay naman ang health system ng Pilipinas.

Facebook Comments