DOH, mino-monitor na ang posibleng epekto ng hindi rehistradong bakunang ibinigay sa PSG

Mino-monitor na ng Department of Health (DOH) ang posibleng epekto ng hindi rehistradong bakuna na binigay sa Presidential Security Group (PSG).

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, nagsimula na ang imbestigasyon at inaasahang matatapos sa loob ng dalawang linggo.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DOH sa Food and Drug Administation (FDA) at Epidemiology Bureau para makumpleto ang mga kinakailangang impormasyon sa imbestigasyon.


Facebook Comments