Naitalang kaso ng COVID-19 sa unang araw ng 2021, umabot sa 1,765

Pumalo na sa 475,820 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa sa unang araw ng 2021 ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay matapos makapagtala ng 1,765 karagdagang kaso ang ahensya dahilan kaya umabot na sa 26,677 ang aktibong kaso.

Habang 106 naman ang nadagdag sa bilang ng gumaling kaya’t umakyat na sa 439,895 ang recoveries.


Umabot naman sa 9,248 ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ng apat ngayong araw.

Samantala, nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 9,014 na COVID-19 cases sa kanilang hanay nitong taong 2020.

Ito ay matapos madagdagan ng 29 ang bagong kaso nitong December 2020.

Facebook Comments