Naninindigan ang Department of Health o DOH sa kanilang kampanya laban sa paggamit ng vape
Ito ay sa harap ng pag-shift ng marami sa vaping, mula sa paggamit ng sigarilyo, dahil sa pag-aakalang makaiiwas sa tuberculosis o TB at iba pang sakit.
Ayon kay Dr. Kezia Lorraine Rosario, Action Officer for the Presidential Directives on TB, nananatili ang posisyon ng DOH kontra sa paggamit ng vape.
Aniya, dapat iwasan o dapat huwag na talagang tangkilin o gumamit ng tobacco related products kasama na ang vape.
Sa mga naunang abiso ng DOH, kanilang pinayuhan ang publiko na huwag magpapaloko sa vape at mga maling impormasyon sa vape bilang alternatibo sa sigarilyo.
Giit ng DOH, ang vape ay may lamang mapanganib na kemikal na maaaring magdulot ng sakit sa baga, puso at iba’t ibang uri ng kanser base na rin sa isinagawang pag-aaral.