Sen. Imee Marcos, napaniwala rin noong una sa promotional video ng DOT

Aminado si Senator Imee Marcos na maging siya ay napaniwala sa promotional video ng Department of Tourism (DOT) para sa bagong slogan ng bansa na “Love the Philippines.”

Ayon kay Senator Imee, inakala niya noong una ay nag-level up na ang sand dunes na matatagpuan sa Paoay, Ilocos Norte.

Napatanong pa aniya siya kung saan banda iyon sa kanilang lalawigan dahil ang ganda na pero sa huli ay nalaman niyang hindi pala ito sa kanilang lugar.


Mistulang litong-lito na rin ang senadora kung ano na nga bang tourism slogan ang mananatili matapos ang pagkakamaling ito sa campaign ad para sa ating turismo.

Tumanggi naman si Senator Marcos na magbigay ng payo sa DOT dahil talaga namang kinukuyog ngayon ang nasabing ahensya.

Facebook Comments