DOH, muling nakapagtala ng mababang bilang ng mga binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19

10 lamang ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) ng bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Bunga nito ang total deaths na ay 8,957 o 1.94%.

1,721 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 461,505.


82 naman ang gumaling sa virus kaya ang total recoveries na ay 429,207 o 93.0%.

23,341 o 5.1% naman ang aktibong kaso.

Karamihan sa mga bagong kaso ay naitala pa rin sa Davao City, Quezon City, Rizal, Laguna at Manila.

Facebook Comments