Mga masuswerteng tagapakinig ng DZXL Radyo Trabaho na nakatanggap ng libreng prepaid home Wi-Fi, nasa 23 na!

Natanggap na ngayong araw ng mga bagong nanalo sa ‘Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho’ promo ang kanilang premyo.

Inihatid ito nang personal sa kani-kanilang mga bahay ng mga anchor mismo ng programang Laughter is the Best Magazine Show (LBMS), isa sa mga programa ng DZXL na nagbibigay ng good vibes tuwing Sabado.

Parehong nagpapasalamat sina Carmen Gonzales ng Quezon City at Noime Mentino ng Caloocan City dahil sa kanilang natanggap na regalo para na rin sa nalalapit na Pasko.


Kung matatandaan, isa si Noime Mentino sa mga mapapalad na nabigyan ng trabaho sa pamamagitan ng Radyo Trabaho ng DZXL.

Ayon sa kapatid nito na si Nely, napakalaki ng pasasalamat ng kanilang pamilya sa DZXL Radyo Trabaho dahil laging handang tumulong ang istasyon sa mga nangangailangan.

Sa ngayon, dalawampu’t tatlo (23) na masusugid na mga tagapakinig na ang nakatanggap ng libreng prepaid home Wi-Fi mula sa Radyo Trabaho.

Facebook Comments