DOH, muling nakapagtala ng mababang kaso ng mga bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19; DFA, nilinaw na hindi mga Pinoy ang naunang 72 new COVID cases na naitala sa iba’t-ibang bansa

Nakapagtala lamang ang Department of Health (DOH) ng 10 na mga panibagong binawian ng buhay sa bansa sa COVID-19.

Ang total deaths ngayon sa bansa ay 8,446 o 1.94%.

1,061 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 435,413


Malaking bilang ng mga bagong kaso ay naitala mula sa Davao City, Quezon City, Rizal, Pampanga at Quezon Province.

Ang aktibong kaso naman ay 27,642 o 6.3%.

328 naman ang bagong recoveries kaya ang total recoveries na ay 399,325 o 91.7%.

Samantala, nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na base sa kanilang huling reports na natanggap sa iba’t-ibang Philippine post sa abroad, hindi Filipino nationalities ang naunang 72 cases na naitala sa Asya, Amerika at Europe

Maging ang naitalang isang fatality ay naitama na rin anila.

Sa ngayon ang total COVID cases sa hanay ng overseas Filipinos ay 11,649.

Ang active cases ay 3,258 habang ang total recoveries ay 7,545.

Habang nananatili sa 846 ang total fatalities.

Facebook Comments