Muling nanindigan ang Department of Health (DOH) na hindi pa inirerekomenda sa ngayon ang pagtuturok ng booster shots sa mga nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kulang pa ang mga ebidensiya mula sa mga eksperto at hindi pa sigurado ang kaligtasan ng pagbibigay ng booster shots.
Samantala, sinampahan na ng kasong paglabag sa Anti-COVID-19 Vaccine Fraud Ordinance ang dalawang indibidwal na nagpaturok ng booster shots sa Quezon City.
Napag-alaman na fully vaccinated na ang mga ito ng Sinovac sa ibang lungsod pero nagpaturok pa sila ng Pfizer at Moderna vaccines.
Facebook Comments