DOH, muling tiniyak sa Senado na may nakalatag na surveillance system laban sa mga respiratory illnesses sa bansa

 

Tiniyak muli ng Department of Health (DOH) sa Senado na mayroong nakalatag ang ahensya para sa bansa na surveillance system para sa mga influenza-like diseases.

Sa gitna na rin ito ng pagtaas ng kaso ng mga respiratory illnesses at banta ng walking pneumonia sa Pilipinas.

Sa ginanap na pagdinig ngayong araw ng Senate Committee on Health, humingi ng update si Committee Chairman Senator Christopher ‘Bong’ Go tungkol sa estado ng paghahanda ng bansa sa mga lumalaganap na respiratory illnesses.


Bagama’t aminado ang health department na magkakamukha ang COVID19, pneumonia at influenza ay may paraan naman para i-test ito sa ngayon.

Ayon kay Dr. Alethea de guzman ng epidemiology bureau ng DOH, kaya nang matukoy ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kung anong klase ng virus o sakit ang tumama sa isang indibidwal.

Mayroon aniyang libreng pagpapakuha ng sample sa RITM na gagamitin “for surveillance purposes”.

Bukod dito, available na rin sa maraming ospital ang Influenza-Like Illness (ILI) test pero dahil for diagnosis ito ay may bayad na pwede namang ma-cover ng PhilHealth.

Nanawagan din ang health department sa publiko partikular na sa mga bata, matatatanda at may comorbidity na ingatan ang mga sarili laban sa mga respiratory illnesses lalo’t sila ang kadalasang tumutuloy sa malalang sakit.

Facebook Comments