Simula ng 2 linggong tigil-pasada, nananatiling payapa – PNP

Nanatiling mapayapa ang tigil-pasada ng grupong MANIBELA at PISTON.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, wala silang na-monitor na anumang seryosong insidente na may kinalaman sa tigil-pasada sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Dagdag pa nito, wala naman silang naitatalang problema sa mga programa ng naturang grupo ng transportasyon dahil sumunod ang mga ito sa kanilang napagkasunduan.


Kasunod nito, sinabi ni Fajardo na mananatiling nakabantay ang PNP hanggang sa pagtatapos ng strike sa December 31.

Handa naman aniya ang kanilang hanay na magbigay ng libreng sakay gamit ang kanilang mga asset.

Facebook Comments