Manila, Philippines – Nababahala na rin ang Department of Health (DOH) sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa.
Nabatid na tumaas ng 223 percent ang kaso ng dengue sa unang dalawang buwan lang ng 2019 kumpara sa kaparehong panahon noong 2018.
Sa datos ng DOH, mula Enero 1 hanggang Pebrero 16, nasa mahigit 31,000 na kaso na ng dengue ang naitala.
Pinakamaraming kaso nito ay naitala sa Central Visayas sunod ang CALABARZON. Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na sumunod sa “4s” campaign ng pamahalaan para maiwasan ang dengue.
*Kabilang dito ang: *
1. Search and destroy
2. Self-protection measures
3. Seek early consultant
4. Say no to indiscriminate fogging
Ayon pa kay Health Sec. Francisco Duque, sa ngayon ay wala pang gamot para sa dengue kaya mainam na linisan ang mga posibleng pamugaran ng lamok.