Nababahala ang Department of Health o DOH sa patuloy na pagtaas ng bilang ng nagkakasakit na tigdas.
Ayon sa DOH, tumaas ng 500 percent ang bilang ng mga kaso ng tigdas sa bansa mula Enero hanggang Marso kumpara sa panahon noong nakalipas na taon.
Sa datos ng DOH, aabot sa 26, 956 na kaso ng tigdas kabilang na dito ang 381 na nasawi sa nasabing sakit.
Lubha itong mas mataas kumpara noong 2018 na 5, 605 na nagkaroon ng sakit na tigdas.
60 percent sa mga tinamaan ng sakit ay pawang mga kabataan na hindi nabakunahan.
Lumalabas pa na nasa 40 percent lang ng mga kabataan ang pumayag na mabakunahan sa nakalipas na taon dahil ang iba sa kanila ay natatakot matapos pumutok ang isyu ng Dengvaxia.
Dahil dito, mas lalo pang paiigtingin ng doh ang kanilang programa kontra tigdas at ibat-ibang uri ng sakit.