DOH, nagbabala laban sa leptospirosis kasunod ng pananalasa ng Bagyong Karding

Photo Courtesy: DOH

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa leptospirosis.

Pahayag ito ng DOH sa kanilang social media account kasunod ng pananalasa ng Bagyong Karding.

Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na nanggagaling sa ihi ng hayop lalo na ang mga daga.


Nakukuha ang sakit sa pamamagitan ng pagsulong sa bahang contaminado nito o di kaya ay makainom ng kontimadong inuming tubig o pagkain.

Kaya inabisuhan ito ang publiko na iwasan ang pagsuong sa tubig baha lalo na sa mga sugat sa baha na posibleng pasukan ng bacteria at kung hindi maiiwasan ay magsuot ng bota at linisin kaagad ang paa gamit ang sabon at tubig.

Hinimok ding bumisita sa pinakamalapit na health center sakaling makaranas ng sintomas ng leptospirosis katulad ng lagnat, pananakit ng kalamnan, pamumula ng mata, panginginig, pananakit ng ulo, pagsusuka, pagtatae o paninilaw ng balat.

Facebook Comments