Angeline Quinto at boyfriend nito, engaged na!

95

Engaged na nga ang singer na si Angeline Quinto at ang non-showbiz boyfriend nitong si Nonrev Daquina.

Ni-reveal ni Angeline ang balita sa isang segment ng kaniyang show sa Amerika.

Say nito, espesyal ang gabing iyon dahil bahagi ng audience ang kaniyang magiging future mother-in-law.


Hindi naman naiwasan ng mga dumalo na mapahiyaw sa ibinunyag ng pinay singer.

Mababatid na nanganak si Angeline sa kanilang first baby na si Slyvio nitong April 27 na hango sa pangalan ng adoptive mother nitong si Sylvia Quinto na nasawi noong November 2020.

Facebook Comments