DOH, nagbabala sa bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko maging ang mga bakunado laban sa COVID-19.

Sa harap ito ng muli na namang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na 7 araw.

Ayon sa DOH, partikular na nagkaroon ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa National Capital Region at Calabarzon.


Nilinaw naman ng DOH na pawang mild at asymptomatic ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Gayunman, nababahala ang DOH sa mga hindi bakunado gayundin sa mga senior citizen at may underlying medical conditions na posibleng maging severe sakaling tamaan ng infection.

Facebook Comments