Mga krimeng kinasasangkutan ng riding-in-tandem, pinatututukan ni Pangulong Duterte sa PNP chief

385

Personal na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos na imbestigahan at i-report sa kaniya ang mga insidente ng pagnanakaw ng riding-in-tandem.

Ito ay makaraang magkaharap ang dalawa sa ginawang Talk to the People noong isang gabi.

Ayon sa pangulo, naiparating sa kaniya ang reklamo ng dumaraming insidente ng agaw cellphone at ng iba pang krimen na gawa ng mga magnanakaw na magkaangkas sa motorsiklo.


Nangako naman ang Pambansang Pulisya na tututukan at papanagutin ang mga nasa likod ng riding-in-tandem.

Facebook Comments