DOH, nagbabala sa kumakalat na pekeng Facebook page na ginagamit ang kanilang ahensya

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko sa kumakalat na Facebook page na ginagamit ang mga opisyal na pahayag ng kanilang ahensya.

Ayon sa DOH, bukod sa mga official statement nila, ginagamit din ang Facebook page na Philippines Medical Center ang mga larawan na kanilang inilalabas.

Muling iginiit ng DOH na hindi kanila ang account at hindi rin ito naka-attach sa anumang departamento ng pamahalaan.


Kaugnay nito, nakatakdang sampahan ng kaso ng DOH ang naturang Facebook page sakaling gamitin ulit ang kanilang ahensya.

Muli nilang paalala sa publiko na basahin at tingnan lamang ang mga inilalabas nilang pahayag sa kanilang official Facebook page at website upang hindi malito at malinlang ng mga nagpapanggap na tauhan ng gobyerno.

Facebook Comments