𝗦𝗘𝗖𝗨𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗚𝗨𝗔𝗥𝗗 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗟𝗔𝗢𝗔𝗖, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗢𝗙𝗪

Arestado si Angelo Gacang, 46 anyos residente ng Brgy. Inmanduayan, Laoac matapos nitong saksakin ang napadaan lamang ang 58 anyos na OFW na si Sammy Dela Peña.

Ayon sa imbestigasyon, alas otso y media nang gabi nang kausap umano ng suspek ang isang kaibigan nang komprontahin nito ang napadaan lamang na biktima. Nagkasuntukan pa ang dalawa bago kunin ng suspek ang tactical knife nito saka sinaksak sa biktima.

Nagtamo ng sugat sa ibabang kaliwang bahagi ng dibdib at kanang bahagi ng tiyan ang biktima.

Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa pagamutan habang naaresto naman ang suspek at naiturn over sa awtoridad maging ang patalim na ginamit nito sa krimen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments