Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa panganib kapag sinundan ng ibang lokal na pamahalaan ang ginawa ng Cebu City na pagtatanggal sa mandatory na pagsusuot ng face mask.
Ayon kay Health OIC Usec. Maria Rosario Vergeire, posibleng tumaas ang kaso ng COVID-19 infection sa mga tahanan kapag inalis ang face mask.
Sinabi rin ni Vergeire na nirerespeto nila ang otonomiya ng Local Government Unit (LGU) pero dapat din aniyang kilalanin ng mga lokal na pamahalaan ang mga umiiral na batas.
Aniya, ginawa ang naturang mga batas para may one chain of command sa panahon ng health emergencies.
Ayon pa kay Vergeire, iisa lang ang protocol ng bansa para maproteksuynan ang sambayanan.
Facebook Comments