Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa paggamit ng mga oxygen tank sa kanilang bahay, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa virtual press briefing, sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire na may tamang level ng oxygen at ito ay depende sa kondisyon ng pasyente.
Ayon kay Vergeire, kung walang namang sakit o problema sa respiratory ang gagamit nito ay posibleng makasama ito sa kalagayan ng tao.
Nagbabala rin si Vergeire na posibleng magdulot ito ng epekto sa suplay at pangangailangan ng mga ospital kung ang mga household ay makikipag-agawan sa pagbili ng oxygen tank.
Nakikiusap si Vergeire sa mga supplier at sa mga nagpapahiram ng oxygen tanks na iprayoridad ang mga ospital na higit na nangangaialangan ng oxygen tank para sa mga pasyenteng may severe o kritikal na COVID-19 case.
Kung kinakailangan aniya ng oxygen tank, ang mga tao ay maaaring humingi ng advise at tulong sa mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan at mga doktor.