DOH, nagbabala sa mga sakit na maaring makuha sa labis na pagkain at pag-inom ng alak

Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga sakit na maaaring makuha sa labis na pagkain at pag-inom ng alak sa harap na rin ng mga kabi-kabilang party ngayong holiday season.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat iwasan ang labis na pagkain ng matatamis, maaalat at matatabang pagkain na pwedeng maging sanhi ng malalalang sakit.

Sabi pa ng kalihim, masama rin ang labis na pag-inom ng alak dahil posible itong magdulot ng komplikasyon sa atay.


Facebook Comments