Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga indibidwal na nakatanggap na ng booster shots.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, malinaw na ang pagtanggap ng booster shot ay isang paglabag sa national protocols.
Aniya, walang pananagutan ang pamahalaan sakaling makaranas ang mga nabigyan ng booster shot ng mga untoward reactions.
Iginiit pa ni Vergeire na patuloy nilang hinihintay na maamyendahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng mga bakuna na mayroon sa bansa.
Kasabay nito, nagpaalala si Vergeire sa mga grupo na maging maingat sa pagkokomento na posibleng tumaas muli ang kaso ng COVID-19 kapag hindi naibigay ang booster shot.
Facebook Comments