Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi pa tapos ang laban ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Ito ang pahayag ng ahensya matapos magkaroon ng street pool party noong May 9, at inuman at videoke session noong May 11 sa Quezon City na nagresulta sa 54 COVID-19 infections.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakakagulat at nakakalungkot ang mga pangyayari dahil sa harap ng paulit-ulit nilang paalala ay marami pa rin ang sumusuway sa health protocols.
Iginiit ni Vergeire na hindi pa rin napupuksa ang virus kaya may tiyansa pa ring tumaas ang kaso.
Nakikipagtulungan na ang DOH sa mga lokal na pamahaaan para matiyak na nasusunod ang health protocols.
Nanawagan ang DOH sa publiko na iwasan muna ang pagsasagawa ng parties.
Facebook Comments