Hindi pa mairerekomenda ng department of health ang paggamit ng chloroquine bilang gamot sa COVID-19. Ang Chloroquine ay isang uri ng anti-malarial drug.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinag-aaralan pa ng ahensya at ng mga medical experts sa bansa ang pagbuo ng clinical guidelines ukol dito.
Aniya, kailangan ng matibay na ebidensya para maiwasan ang side effects kung sakaling gamitin ito. Babala pa ni Vergeire, maaaring makaapekto sa atay ng tao ang paggamit ng Chloroquine. Kaugnay nito, pinayuhan ng opisyal ang publiko, lalo na ang may co-existing conditions na kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng ibang gamot.
Una rito, sinabi ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na ginagamit ang hydrochloroquine sa mga COVID-19 patients sa US habang chloroquine ang ginagamit sa China at France.
Pero paglilinaw ng CDC, wala pang gamot kontra covid-19 na inaaprubahan ang us food and drug administration