DOH, nagbabala sa panganib na dulot ng pagpapapako sa krus at paglalatigo

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko sa panganib na maidudulot ng pagpapapako sa krus at paglalatigo sa sarili ngayong Semana Santa.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo – kapag nagkaroon ng open wounds ay posibleng maimpeksyon ito at pasukan ng nakamamatay na sakit, tulad ng tetanus.

Sakaling itutuloy ng deboto ang pagsasagawa ng mga ganitong practice ay tiyaking malinis at na-sterilized ang mga gagamitin.


Dapat ding nalinis ng mabuti ang sugat at siguruhing ligtas ito sa impeksyon.

Magpakonsulta rin sa doktor kung kinakailangan.

Facebook Comments