DOH, nagbabala sa pekeng COVID-19 vaccine

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pagbili ng bakuna.

Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ng World Health Organization (WHO) na may natuklasan silang pekeng bakuna na kumakalat sa Mexico.

Ang pekeng bakuna ay may pangalang BNT 162B2 na lumabas sa Mexico noong Pebrero.


Sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na dapat tangkilikin lamang ang mga bakuna na inilalabas ng pamahalaan.

Ito ay dahil dumaan ang mga ito sa kaukulang pagsusuri at validation.

Facebook Comments