Mino-monitor ng Department of Health (DOH) ang posibleng adverse effects sa mga indibidwal na nagpaturok ng mahigit tatlong doses ng bakuna kontra COVID-19.
Kasabay nito, nagbabala si Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa panganib sa kalusugan ng mga nagpaturok ng ika-apat na dose.
Kinumpirma ni Vergeire na may ilang indibidwal sa bansa ang nakapagpaturok ng apat hanggang anim na doses ng COVID vaccine.
Nilinaw ni Vergeire na nasa phase 3 pa lamang kasi ngayon ng clinical trial.
Pinapayuhan din ni Vergeire ang publiko na sumunod lamang sa health protocols at hindi na kailangan magpaturok ng ika-apat na dose.
Facebook Comments