PDP-Laban, magsasagawa ng paglilinis pagkatapos ng eleksyon

Magsasagawa ng cleansing o paglilinis sa kanilang partido ang Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan o PDP-Laban pagkatapos ng eleksyon sa Mayo 9.

Pahayag ito ni Senator Koko Pimentel na anak ng co-founder ng PDP-Laban na si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel.

Diin ni Pimentel, desidido sila na linisin ang kanilang hanay kahit pa maging maliit na lang ang bilang ng kanilang mga miyembro.


Giit ni Pimentel, kailangan nilang itayo muli ang kanilang partido at sa pagkakataong ito ay hahanap sila ng miyembro na tunay na naniniwala sa 5 basic principles ng partido at naniniwala sa hangarin ng isinusulong nila na federalismo.

Facebook Comments