DOH nagbabala sa publiko na hindi ligtas maligo sa Manila Bay

Manila, Philippines – Muling nagbabala ang pamunuan ng Department of Health (DOH) sa publiko na napakadelikado pa rin na maligo sa Manila Bay.

Ayon kay DOH Undersecretary Dr. Eric Domingo, hindi pa rin ligtas sa publiko na gawing swimming pool ang Manila Bay dahil maaaring magkasakit ang sinumang makainom ng tubig mula sa Manila Bay.

Paliwanag ni Domingo hanggat wala pang abiso mula sa Manila Health Department hindi dapat pahintulutang maligo ang publiko sa Manila Bay dahil posible silang magkasakit.


Giit ng DOH antayin na lamang nila matapos ang isinasagawang rehabilitasyon at abiso ng Manila City Government bago sila maligo sa Manila Bay.

Facebook Comments