Nagbabala ang Department of Health (DOH) na nananatili pa rin ang virus at nananatili itong banta sa ngayon sa kalusugan ng publiko.
Ang babala ng DOH ay sa harap ng mga pagtitipon at paggalaw ng mga tao sa gitna ng pinaiiral na Alert Level 1 ng COVID-19.
Ayon sa DOH, dapat maging vigilant ang publiko lalo na’t may mga bansa ngayon ang nakakaranas ng recombinant variants ng COVID-19.
Muling nagpaalala ang DOH sa publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards.
Pinapayuhan din ang publiko na magpa-booster shot lalo na ang mga nakatatanda, may comorbidities, at immunocompromised para sa kanilang proteksyon laban sa infection.
Facebook Comments