Mga lumabag sa umiiral na COMELEC gun ban, umaabot na sa 2,653

102

Patuloy ang pagdami ng mga naaresto dahil sa paglabag sa Commission on Elections (COMELEC) gun ban na ngayon ay umaabot na sa 2,653.

Ang mga ito ay nahuli sa 2,536 checkpoint operations na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) mula January 9 hanggang sa kasalukuyan.

Batay sa tala ng PNP Command Center, karamihan sa mga naaresto ay mga sibilyan na nasa 2,551 habang 44 ang security personnel, 16 miyembro ng PNP, 17 ang tauhan ng AFP, at 25 ang iba pa.


Nangunguna sa bilang ng mga naaresto ang NCR na nasa 988; kasunod ang Region 4A na nasa 306; Region 7 na nasa 274; Region 3 na nasa 256 at Region 6 na nasa 152.

Nakumpiska ng PNP sa mga ito ang 2013 firearms na karamihan ay small arms; 974 deadly weapon kabilang ang 100 pampasabog; at mahigit 10-libong mga bala.

Facebook Comments