Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga sakit na kadalasang umaatake ngayong tag-init.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – sa sobrang mainit na panahon, ang tao ay posibleng makaranas ng heat syncope (pagkahimatay), heat cramps, heat exhaustion at ang mas nakamamatay ay ang heat stroke.
Maaari ring mapinsala ang ilang internal organs kapang na-expose ng matagal sa mainit na temperatura gaya ng utak, mga baga, atay at mga bato.
Payo ng DOH, ugaliing uminom ng 14 na baso ng tubig kada araw.
Gumamit din ng sunblock sa pagitan ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon upang maiwasan ang first at second degree burns at magdala ng payong.
Facebook Comments