DOH, nagbabala sa publiko sa pagbili at pagbenta ng blood plasma

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pagbili at pagbenta ng blood plasma na kinuha mula sa mga pasyenteng gumaling sa COVID-19.

Ito ang pahayag ng kagawaran kasunod ng mga ulat na may ilang pamilya ng COVID-19 patients ang bumibili ng convalescent plasma mula sa mga gumaling na pasyente, hospital staff o fixers.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang mga ganitong transaksyon ay ilegal at mapanganib.


Ang convalescent plasma ay hindi dapat ibinebenta at dapat itong boluntaryong idino-donate para sa mga nangangailangang pasyente.

Dagdag pa ni Duque, ang pagbili ng blood plasma mula sa unverified sources ay posibleng magdulot lamang banta sa kalusugan ng pasyente.

Aniya, maaari silang magkaroon ng contract transfusion-transmissible infections tulad ng HIV, Hepatitis, at Malaria.

Paglilinaw ni Duque, ang Convalescent Plasma Therapy ay patuloy pa ring pinag-aaralan bilang posibleng lunas laban sa COVID-19.

Sa ilalim ng National Blood Service Act o 1994, lahat ng dugo at blood products ay kinokolekta mula sa volunteer blood donors lamang at ang paid donation ay mahigpit na ipinagbabawal.

Facebook Comments