DOH, nagbabala sa publiko sa paggamit ng alak bilang pang-disinfect sa kamay

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay ng paggamit ng alak bilang pang-disinfect sa kamay.

Ayon kay Health Undersecretary Dr. Eric Domingo, posibleng magdulot ito ng skin irritation at iba pang mga problema.

Nagpaalala rin si Dr. Domingo na dapat ang bibilhing rubbing alcohol ay nakarehistro sa Food and Drug Administration (FDA).


Mahalaga rin aniyang may tamang labeling ang binibiling alcohol.

Kaugnay naman ng bakuna kontra COVID-19, kinumpirma ng FDA na karamihan sa 163 na pinag-aaralang vaccine ay nasa pre-clinical studies pa, at ang 23 ay nasa clinical trials na o nasubukan na sa tao.

Sa 23 naman bakunang nasubukan sa tao, dalawa rito ang nasa phase 3 na ng clinical trial.

Partikular dito ang dinedevelop sa London at China, habang may isa pang kinukumpirma sa Russia.

Kinumpirma rin ni Dr. Domingo na ang tinututukan ngayon ng buong mundo ay ang Remdesivir na nakakababa ng mortality rate o bilang ng mga namamatay sa COVID-19.

Tiniyak din ng DOH na puspusan ang pagtulong ng Japan sa Pilipinas para magkaroon ng karagdagang sample ng Avigan na sumasailalim din ngayon sa trial at itinuturing na mabisang gamot sa COVID-19.

Sinisiguro rin aniya ng World Health Organization (WHO) na magiging pantay ang distribusyon ng Anti-COVID vaccine oras na maging available na ito.

Facebook Comments