Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng tumaas ang kaso ng severe at critical cases ng COVID-19 sa Agosto.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ito ay dahil sa humihina na ang bisa ng bakuna kasabay ng pagbagal ng pagbibigay ng booster shots.
Sinabi ni Vergeire na sa ngayon ay stable pa at hindi pa naman labis na naapektuhan ang operasyon ng mga ospital.
Sa datos ng DOH, 14.56 milyong indibidwal ang nakatanggap na ng unang booster shot kontra COVID-19 habang 557,000 indibidwal ang nabigyan na ng second booster shot.
Facebook Comments