Nagdeklara na ang Department of Health ng local transmission ng XBB.1.16 Omicron Subvariant o “Arcturus.”
Sa harap ito ng dumaraming kaso ng nasabing variant kahit walang linkages sa international cases.
Matatandaang nakapagtala ang ahensya ng tatlong bagong kaso ng XBB.1.16 kung kaya umabot na sa apat ang kumpirmadong kaso nito sa bansa.
Na-detect ang mga bagong kaso sa Region 6 o Western Visayas.
Pero ayon sa DOH, batay sa ulat ng World Health Organization ay hindi mapanganib ang Arcturus bagama’t mabilis itong makahawa.
Una na ring sinabi ng ilang health experts na posibleng ang XBB.1.16 ang dahilan ng muling pagsipa ng COVID-19 sa bansa.
Facebook Comments