Mahigit 2,000 bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH kahapon

Nakapagtala ang Department of Health ng 2,114 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Ito na ang pinakamataas na daily tally simula October 20, 2022 kung saan 2,227 ang bagong tinamaan ng virus.

Dahil dito umakyat na sa 15,114 ang active cases o patuloy na nagpapagaling mula sa 13,964 na bilang noong Huwebes.


Nadagdagan naman ng 964 ang bilang ng gumaling para sa kabuuang 4,029,461.

Habang nananatili sa 66,453 ang COVID-19 death toll.

Samantala, umakyat na sa 23.4% ang COVID-19 positivity rate sa bansa.

Facebook Comments