DOH, naghahanda sa pamamahagi ng sickness at death benefits para sa mga health workers

Puspusan na ang trabaho ng Department of Health (DOH) para simulan ang distribusyon ng mga benepisyo para sa mga healthcare worker na nagkasakit o namatay dahil sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bumubuo na sila ng joint administrative order katuwang ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Labor and Employment (DOLE) para ipatupad ang Section 4 ng Bayanihan to Heal as One Act.

Nakasaad dito ang pagbibigay ng ₱100,000 benefits para sa mga health workers na dinapuan ng COVID-19, at ₱1 million para sa mga namatay sa sakit.


Inaasahang maisasapinal ang joint order ngayong linggo.

Dagdag pa ni Vergeire, patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng DOH hinggil sa mga COVID-19 positive health workers na severe ang condition.

Facebook Comments