Naglabas ang Department of Health (DOH) ng guidelines para sa muling pagbubukas ng mga trabaho ngayong pagsisimula ng Modified Enhanced Community Quaratine (MECQ) at General Community Quaratine (GCQ).
Nakapaloob dito na dapat payagan pa rin ng employer na mag-Work from Home ang mga empleyadong high risk sa COVID-19.
Kabilang na rito ang mga 60 years old pataas at mga may pre-existing na sakit gaya ng Diabetes, Hypertension, Cancer, at mga buntis.
Dapat din munang i-screen ang mga papasok na empleyado para sa mga sintomas ng virus gaya ng lagnat, ubo, sipon at iba pang respiratory symptoms.
Ang mga asymptomatic naman na may history of travel o exposure ay hindi papayagang makabalik sa trabaho at pinapayuhan munang komunsulta sa doctor.
Ang mga dating asymptomatic na may history of travel o exposure sa nakalipas na 14-days ay kailangang magpakita ng certificate of quarantine completion na makukuha sa mga quarantine facility o sa local health office bago sila payagang magbalik sa trabaho.
Ang mga symptomatic naman sa nakalipas sa 14 days bago magbalik sa trabaho ang papayagan na muling makapasok.
Nilinaw naman ng DOH na ang mga empleyadong may respresentative sample ng mga nagreturn tour na high risk at nagkaroon ng COVID-19 ang papayagan lang na makapag-COVID test gamit ang RT-PRC test.
Dapat ding i-report ng mga employer sa DOH ang resulta ng COVID-19 test ng kanilang mga empleyado.
Giit ng DOH, ang mga test na hindi sagot ng Philhealth ay dapat sagutin ng employer.
Kailangan ding ipatupad ng mga employer ang mahigpit na infection prevention at control measure gaya ng physical distancing pagsusuot ng mask at palagiang paghuhugas ng kamay.
Dapat ding pagsuutin ang mga empleyado ng Personal Protective Equipement o PPE kung ang kanilang trabaho ay pagbibigay serbisyo nang malapitan sa ibang tao.
Pinaaalahanan din ng DOH ang mga kumpaniya na panatilihin ang malinis na lugar ng trabaho at proper disinfection sa mga papasok at lalabas.
Inaatasan din ang mga employer na magpatupad ng mga programa hinggil sa physical at mental resilience sa kanilang mga kawani.