Bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 na lumahok sa Solidarity Trial ng WHO, nadagdagan pa – DOST

Umakyat na sa 87 ang bilang ng mga pasyenteng may coronavirus disease ang nakilahok sa Solidarity Trials ng World Health Organization (WHO).

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), ang mga pasyente ay mula sa 24 na ospital at 12 sa mga pasyente ay aktibong hinihikayat ang iba pasyente na sumali sa clinical study.

Upang makabuo ng bakuna para sa COVID-19, nakikipag-ugnayan ang ahensya sa ilang vaccine research groups at organizations abroad sa pamamagitan ng panel ng vaccine experts.


Samantala, nagpahayag naman ng pagkagalak ng WHO sa pagsali ng Pilipinas sa trials.

Facebook Comments