Naglabas ang Department of Health (DOH) ng paglilinaw hinggil sa naging anunsyo ng Malacañang sa nakatakdang pagdating sa bansa ng mga bakunang donasyon ng China.
Partikular ang 600,000 doses ng Sinovac vaccines mula sa Beijing na dadating sa bansa sa Linggo.
Ayon sa DOH, patuloy pang pinag-aaralan at ini-evaluate ang magiging alokasyon ng mga bakuna.
Ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) at ng pag-apruba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Pina-plantsa na rin ng DOH, NTF at ng Chinese Embassy ang arrival ceremony sa pagdating ng mga bakuna sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Facebook Comments