Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na sundin ang ventilation guidelines para mabawasan ang banta ng COVID-19 transmission.
Ito ay kahit wala pang matibay na basehan na maaaring maipasa ang virus sa pamamagitan ng hangin o airborne.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naglabas sila ng panuntunan bilang gabay lalo na sa closed indoor spaces.
Payo rin ni Vergeire na iwasang tumapat sa bentilador o sa aircon.
Mahalagang mayroong exhause fan sa mga palikuran o banyo.
Dapat iwasan ang circulated air option sa loob ng mga sasakyan.
Inirekomenda ng DOH sa publiko na hingin ang payo ng heating, ventilation at air conditioning specialists at industrial hygienist.
Facebook Comments