Velasco, magiging panauhin sa ‘Laging Handa’ Public Briefing ng PCOO

37

Inimbitahan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Marinduque Representative Lord Allan Velasco para makapanayam sa “Laging Handa” public briefing ngayong araw.

Magsisilbing guest si Velasco sa programa ilang oras bago magbalik sesyon ang Kamara mamayang alas-3:00 ng hapon para talakayin ang ₱4.5 trillion national budget para sa 2021.

Nabatid na nasa 186 na mambabatas ang bumoto para alisin sa pwesto si Taguig Representative Alan Peter Cayetano at italaga si Velasco bilang bagong House Speaker.

Una nang sinabi ng Malacañang na hindi na sila manghihimasok sa isyu ng Mababang Kapulungan na itinuturing nilang internal matter ng co-equal branch ng pamahalaan.

Facebook Comments