Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga Local Government Unit (LGU) na huwag isama sa mga pagkain ang COVID-19 vaccine lalo na sa mga refrigerator.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dati na nilang sinabihan ang LGUs na dapat magkaroon ng hiwalay na storage ang mga bakuna kontra COVID-19.
Napag-alaman na ilang LGUs ang posibleng isinasama sa mga refrigerator na may mga pagkain ang COVID-19 vaccine na maaaring magdulot ng pagkasayang ng mga bakuna.
Una na ring sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na dapat sundin hindi lamang ng LGUs kundi ng mga pribadong kumpanya na bibili ng bakuna ang storage standards na inilatag ng national government.
Facebook Comments