DOH, nagpaalala sa mga LGU kaugnay ng pagpapapasok ng mga hindi pa unvaccinated foreigners

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga Local Government Unit (LGU) na sumunod sa polisiya ng Inter-Agency Task Force (IATF) kaugnay ng pagpapapasok ng mga hindi pa bakunadong banyaga.

Ito ay matapos aprubahan ng Cebu LGU ang pagtanggap ng unvaccinated foreign travelers simula sa Marso 1.

Ayon kay Health Undersecretay Maria Rosario Vergeire, dapat ay kinonsulta ng pamahalaang ng Cebu ang IATF bago inilabas ang nasabing polisiya.


Batay sa direktiba ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, kinakailangan lamang na magpakita ng negative swab test result na kinuha sa loob ng 48 oras ang banyaga kahit ito ay unvaccinated o partially vaccinated.

Ang mga foreign arrival ay sasailalim muli sa swab test sa Mactan-Cebu International Airport at sasailalim sa facility-based quarantine bago muling sumailalim sa swab test sa ika-limang araw.

Facebook Comments