Isang mall sa Taguig, handa na para sa ligtas at romantikong Valentine’s Day celebration

Tiniyak ng isang mall sa Taguig City na hindi lang romantiko kundi ligtas din ang kanilang lugar sa selebrasyon ng Valentine’s Day sa Lunes.

Ayon sa General Manager ng mall na si Esteban Cabanos, handa sila sakaling dumagsa ang mga tao para mamasyal sa darating na weekend o sa mismong Valentine’s Day at sisiguraduhin nilang maipapatupad ang safety protocols sa loob ng mall.

Mayroon ding mga romantikong gimik ang mall tulad ng private dining kiosk for two na nasa al fresco area at meron din namang para sa buong pamilya.


Maaari ring sumakay sa gondola sa park at grand canal habang hinaharana ng mga musikero.

Kung ayaw naman pumasok sa mall ay pwedeng mag-‘park and dine’ o sa sasakyan na lang kumain at mamangha sa ganda ng ilaw ng paligid.

Bukod sa mga kainan ay ma-i-enjoy rin ng mga may balak magpakasal ang fashion exhibit ng gowns at wedding ideas.

Isa rin sa tiyak na pakaabangan ng lahat ay fireworks display at ang mga games na inihanda para sa mga couples.

Para naman sa mga ayaw lumabas ng bahay, pwedeng magpatulong sa customer service ng mall para mag-organize ng Valentine surprise.

Sa kabila nito ay titiyakin ng mall management ang kaligtasan ng mall goers dahil mahigpit nilang ipinatutupad ang public health protocols kagaya ng pagsusuot ng face mask, social distancing at ang pag-inspeksyon sa vaccination card.

Facebook Comments